saloobin ng isang saksi

February 4th, 2008 by jhaynee120788

Nagising ako sa mga malalakas na tahol ng aking si Bimbo. Pinilit kong bumangon para lamang sawayin ang sunod-sunod at nakakagambalang tahol nya. Alas onse pa lamang ng gabi, sadyang maaga pa, at halos kakahiga nya lang sa kanyang tulugan dahil sa maghapong pagbabantay nya sa aming maliit na tahanan. Naintriga ako sa mga ingay at kaluskos na nagmumula sa labas ng aking bahay, napasilip ako sa maliit na butas ng ding-ding na kahoy katabi ang nakapinid na bintana. Sa kabila ng kadiliman ng gabi,kitang-kita ko ang malagim na pangyayari na tanging ako at si Bimbo lang ang nakakaalam. Bumilis ang takbo ng aking dibdib. Mabilis na kumikilos ang mga anino palayo sa tanaw na lugar. nabibingi ako sa mga kahol ni Bimbo, ngunit di matatanggi nag mga mata ko ang nasaksihang di sinasadya. Matapos ang ilang minuto,nanahimik na si Bimbo ko. Marahil wala na syang nakikitang tao sa paligid. Hindi ko na magawang bumalik sa aking higaan para ipagpatuloy ang naunsyami kong tulog. Nais kong lumabas at puntahan ang lugar kung saan ko nakita ang pangyayari ngunit may pumipigil sa akin na wag lumabas at mantili na lamang tikom ang bibig at pikit matang iwaglit ang nasaksihan. Nanginginig ang aking kalamnan , wala akong maisip na gawin, naupo na lamang ako sa isang tabi at kumbinsihin ang sarili na hindi lamang ako ang nag-iisang nakasaksi sa krimen. Nakatulog ako sa ganoong pag-iisip. Umaga na, matirik na ang araw, nagising na naman ako sa kahol ni Bimbo. Biglaang sumagi na naman sa aking isipan ang kalaliman ng gabi. Naalerto ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking bahay. Pinagpawisan ako ng malamig. Natanong ko sa aking sarili. May nakakalam na ba na ako ang nakasaksi? napatungo ako, lahat na ng nangyari sa buhay ko ay biglang sumagi sa aking isipan. Paano ko ngayon? Walang-wala na akong kinabukasan. haharapin ko na lang sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang pinto, nakita kong unang-una si Bimbo ko. Kumakawag ang kanyang buntot na nakatingin sa akin. Buti pa sya, sa isip ko. Tumambad sa harapan ko ang mga lalaking naka jacket na itim. Napalunok ako. Inayos ko ng bahagya ang aking sarili at tinibayan ang aking loob na humarap sa kanila.

"Anong kailangan nyo?" tanong ko abo’t abot ang kumakawalang kaba sa dibdib ko, parang nais kong matunaw na lamang at biglang mawala ngunit tinatagan ko ang aking sarili, di naman siguro nila mahahalata sa tingin ko.

"may hinahanap ho kaming tao,magtatanong lang ho sana" sabi ng lalaking may kalakihan ang katawan.

Parang di ako makahinga, parang sinusukat nila ang aking sinseridadsa mga tingin nila sa akin.

"ah,ganon ho ba? Sino ho ba yon? baka sakaling makatulong ako."

"isang lalaking nagngangalang Jovito Salongga. Pagkakaalam namin kasi’y taga-rito sya."

Ano? Jovito Salongga Daw? nakahinga ako ng maluwag malamang nagtatanong lamang ang lalking ito,hindi ko kilala ang lalaking sinasabi nila. Sa Wakas..

"palayaw ho nya ay Bitong, may katangkaran, payat at mapapansin nyo ho ang malaking pulang balat sa kanyang pisngi." sabi pa ng isang lalaking kasama.

Bitong? Si Bitong na bali-balita ay nagtutulak ng droga? Yung..yung.. HINDI! Kitang-kita ko kagabi kung pano sya inambangan ng saksak ng tatlong kalalakihan, sinilid sa sako at saka tinapon sa katabing ilog. Pero panong hahanapin sya ng mga kalalakihang ito? Mga pulis ba sila? Ano na ngayon ang gagawin ko? sasabihin ko bang may kakilala akong Bitong at nakita kong pinatay sya kagabi?

"Nga ho pala mga alagad kami ng batas, mga nag-iimbestiga" dugtong pa ng isang lalaki.

Hindi…ito na nga ba ang sinasabi ko. Panong masasangkot ako sa isang krimen dahil lamang sa di sinasadyang pagkakataon. Ako na bahalang magdesisyon kung makikisangkot ako o hindi.

"ahh…ehh.. pasensya na ho, wala ho akong kilalang Jovito Salongga. nabalitaan ko lamang na may Bitong sa lugar namin pero di ko sya kilala"

"Sigurado ho ba kayo?"

Bigla akong kinabahan, bakit parang di naniniwala ang lalaking ito na di ko talaga kilala ang Bitong na sinasabi nila? Bakit? Talaga namang di ko sya kilala at di kami magkakilala pero nakikita ko yon. Hindi naman ako nakikisangkot sa buhay ng ibang tasolalo na’t walang kinalaman sa akin. Yun lamang ang kasalanan ko. Hindio ako makakatulong sa kanila. Siguro naman walang bakas sa mukha ko na naging saksi ako. Tsaka hindi naman sadya ang lahat,wala akong kinalaman.. WALA!

"Oho, pasensya na ho’t di ako nakatuklong."

"walang anuman ho, pasensya na rin ho sa abala. Masgpapaalam na rin ho kami. salamat ho ng marami"

Tatlong araw ang nakalipas, matapos maganap ang malagim na pangyayari sa buhay ko, akala ko’y tapos na. Hindi pala.. don ako nagkamali. Kala ko’y malilimutan ko na ang pangyayari. bali-balitang nawawala raw si Bitong. kasabay ng pagkalat ng tsismis, may isang alingasaw na pilit na nanunuot sa hangin na aming hinihinga at ito’y galing sa ilog..sa ilog na hindi gumagalaw at pinamamahayan na yata ng kung anong sakit at mga basura. kinabahan ako, parang alam ko na ang mangyayari at base nga sa inaasahan ko natagpuan nila ang bangkay ni Bitong sa ilog. Halos naaagnas na ito, marami ng maga gumagapang sa kanyang katawan. napuno ng pulis, media men ang harapan ng aking bahay. Ang bahay ko lamang ang malapit sa ilog, kaya sa akin nagsisipuntahan ang mga usisero’t usisera. Hindi naman ako nakikialam sa mga nangyayari ngayon sa paligid, sapat na yung nakita ko nung isang gabi.

sa takot kong masangkot, nilisan ko ang aming lugar dala ang lihim sa malagim na pagpatay kay Bitong. Balang araw makakaya kong humanap at sabihin ang totoosa nakita ko..

-mjb-

september 2007

friendship

July 29th, 2007 by jhaynee120788

friendship is an unwritten promise
it isn’t given by any pledge
nor written on any paper instead
its a promise based on the value
and trust written in the heart.

friendship?
is about laughing at the same things
its about really being understood
its being accepted unconditionally
its about pickin’ each others up
its about you and me..
its about us.

Reality…

July 29th, 2007 by jhaynee120788

its my time for me again to hold my pen and do the things i really done before. its been a while when i realized that m in a deep insight thinking of this question.
what makes people hold for someone they not supposed to have?
i thought i knew everything .. i thought i understand all the things around me.. but I’m definitely wrong.
theres some instances tat makes me wonder why some other people chose to be alone or may i say.. accept their place even they don’t deserve to be there.
is it right to blame them?
they know where to be happy and get satisfied yet they stay.
others ma say "tanga" but they really  understand  what are the reasons  behind  those hurt, pain and tears brings also smile, laugh and joys?
you, yourselves will make that move..
as long as you happy, theres no way turning back because every pain and hardships reflects on how strong you are  to face the trials of life, the trials of love.. the reality.

hayy!!! Summer’s here!

April 19th, 2007 by jhaynee120788

hi everyone… miss the school?,classmates?, friends? or special ones? well its smmer time.. hehe ano konek? hayy alam nyo bang napakainit ng summer.. hehe of course alam nyo yon. but the fact is every year lalong umiinit kasi numinipis na ang ating ozone layer and mas maraming sakit na natutuklasan. OH MY GOODNESS!! what will happen sa ating earth 10 years from now? 25 years? di ko maisip.. educational ba ang blog ko? haha i just wanna say lang naman ay enjoy the summer!

New Year na!!

January 4th, 2007 by jhaynee120788

hay!!

natapos na ang 2006 and lets welcome the year of a pig…

lets say bye bye to year of the dog.

ano nga ba ang nagawa ko this past year?

para sakin wala namang kakaiba.. ang napansin ko lang

bawat tao ay tumatanda (nyaiks!! ano yun?) katulad nung last

december, idinaos ko ang aking 18th birthday..(ohh..san ka pa?)

ayun.. yun lang ang nangyari..haha.. kaya ang new years resolution

ko ay…

"stay young".. sosyal!! haha ciao….

January 4th, 2007 by jhaynee120788

MY BLOG NA KO!!!

December 9th, 2006 by jhaynee120788

pag katapos ng mahabang paghihintay….

nagawa ko na rin ang blog ko..

just a simple blog of my own.

matatapos na ang 1 year ko sa aking studies and this is the time na magt-turn na ko sa next level being a 3rd year Mass Communication student.hope ko na sana matapos ang year na ito ng walang 3.0 o 5.0.